dzme1530.ph

MAHIGIT 50 PERCENT NG PINOY, NANINIWALANG WALANG MGAGAWA ANG ORDINARYONG TAO PARA MABAWASAN ANG KATIWALIAN SA GOBYERNO

Loading

Mahigit singkwenta porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang wala kayang gawin ang isang ordinaryong tao para mabawasan ang korapsyon sa gobyerno.

Batay sa survey ng Social Weather Stations na isinagawa noong June 20 hanggang 29, 52 percent ng mga respondents ang naniniwala sa pahayag na ‘Ang isang taong katulad ko ay walang magagawa upang mabawasan ang korupsyon sa gobyerno’.

Tatlumpung porsyento naman ang tumututol sa pahayag habang 17 percent ang undecided.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 adults sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

About The Author