dzme1530.ph

Former CA Associate Justice Elihu Ybañez, itinalagang bagong PCGG Commissioner

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si former Court of Appeals (CA) Associate Justice Elihu Ybañez bilang bagong Commissioner ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Inanunsyo ng Presidential Communications Office ang appointment kay Ybañez sa PCGG, o ang tanggapan ng gobyernong nilikha para bawiin ang umanoy mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Samantala, itinalaga rin si retired Police General Eliseo DC Cruz bilang Assistant Secretary ng Deparment of Justice.

Si Cruz ang nanguna sa imbestigasyon sa 6.7 billion peso shabu haul noong 2022.

Inappoint din si former GMA at TV5 executive Wilma Galvante at si Josefina Bañaga bilang board members ng Movie and Television Review and Classification Board, at kolumnistang si Mario Fetalino Jr. bilang PCO Assistant Secretary.

About The Author