dzme1530.ph

PRESYO NG GASOLINA AT KEROSENE, MULING TATAAS; PRESYO NG DIESEL, BABABA

Loading

Kinumpirma ng Department of Energy na bababa ang presyo ng diesel habang tataas ang presyo ng gasolina at kerosene, ngayong unang linggo ng Oktubre.

Ayon sa DOE, epektibo bukas, mababawasan ng ₱1.30 kada litro ang presyo ng diesel.

Samantala, tataas naman ng ₱1.93 ang kada litro ng gasolina at ₱3.30 ang madadagdag sa bawat litro ng kerosene.

Ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng patuloy na tensyon sa Middle East.

Samantala, sinabi ng DOE na inaasahan din ang dagdag na ₱17.33 bawat kilo o ₱190.63 bawat regular tank.

About The Author