dzme1530.ph

IMPEACHMENT COURT PRESIDING OFFICER CHIZ ESCUDERO, NANAWAGAN NG CIVILITY SA GITNA NG TAAS NG EMOSYON SA PAGLILITIS

Loading

UMAPELA si Impeachment Court Presiding Officer Francis Chiz Escudero sa lahat na panatilihin ang civility sa gitna ng mataas na emosyon sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
 
Sa Day 33 ng Impeachment trial, binanggit ni Escudero na hindi magiging epektibo ang justice system kung walang respeto sa isa’t isa ang mga professionals na sangkot sa paglilitis.
 
Sinabi ni Escudero na nauunawaan niya an umiikli na ang pasensya, tumataas ang tensyon subalit hindi anya dapat mawala ang pokus sa kanilang common purpose.
 
Ang tungkulin anya ng lahat ay tulungan ang korte na magkaroon ng fair at orderly administration of justice.
 
Nangako naman si Escudero na mananatiling nakatutok ang impeachment court sa trabaho nito na maglitis at magdesisyon batay sa ebidensya na may katarungan at pagiging patas.
 
Binigyang-diin pa ng presiding officer na ang paglilitis ay hindi tungkol sa kanya, hindi tungkol sa bawat isa sa loob ng korte kundi tungkol sa bansa, sa mamamayan, sa pananagutan, sa hustisya at pagiging patas.

About The Author