![]()
Iniimbestigahan ng multi-agency Australian Counter Terrorism Unit ang kaugnayan sa Australia ng co-pilot ng Flydubai Flight FZ1073, na sumaksak sa kanyang kapitan at nagtangkang i-hijack ang eroplano.
Pahayag ito ng Australian Federal Joint Counter Terrorism Team na binubuo ng Federal Police, Victorian State Police at ng Australian Security Intelligence Organization.
Ayon sa dalawang sources, nag-aral umano ang co-pilot sa University of Melbourne, na kabisera ng Australian state na Victoria.
Mayroon ding isang source na nagsabing nag-aral ang suspek sa RMIT University, isang dekada na ang nakalipas.
Inihayag ng United Arab Emirates Prosecutor General na sinaksak ng emergency crash axe ng co-pilot ang piloto ng Flydubai FZ1073 na patungong Israel mula Dubai, at tinawag ang insidente na “terrorist attack.”
