![]()
No show sa pagsisiyasat ng National Bureau of Investigation si dating House Speaker Lord Allan Velasco at asawa nitong si Rowena.
Sa halip, nagpadala ang dating House leader ng tatlong abogado sa NBI sa pangunguna ni Atty. Rowell Ilagan.
May kinalaman ang imbestigasyon sa mga alegasyon ni dating police officer Rodulfo Gracioso Jr.
Tumanggi naman ang mga abogado ni Velasco na kumpirmahin kung nasa Japan pa ang mag-asawa.
