dzme1530.ph

DEPED, NANANATILING BIGGEST RECIPIENT SA PROPOSED 2027 NATIONAL BUDGET NA PINAGLAANAN NG 976 BILLION PESOS

Loading

Nananatili ang sektor ng edukasyon sa may pinakamalaking share o “lion’s share” sa 2027 proposed national budget.

Salig sa isinumiteng National Expenditure Program o NEP, nasa top 10 ang education sector sa mga tanggapan ng pamahalaan na may P976-B budget.

Ayon kay DBM Acting Sec. Kim Robert De Leon, kung pumasok na ang iba pang figures, makakapag-comply muli ang Pilipinas sa ikalawang sunod na taon sa UN threshold na 5% ng GDP.

Bumubuo sa top 10 kasunod ng DepEd ang DPWH na may P644-B sa 2027; ikatlo ang DOH na may P353.8-B; DILG, P332.5-B; at ika-lima ang DND na may P328.8-B.

Pasok sa top 6 ang DOTr, kasama ang Philippine National Railways at Light Rail Transit Authority, na may P302.2-B; nasa ika-anim na may biggest budget ang DA, kabilang ang mga attached corporations, DAR at NIA, na may P261.7-B; DSWD ay pang-walo sa pondong P241.6-B; pang-siyam ang Higher Education o State Universities and Colleges at Commission on Higher Education na may P176.5-B; at nasa ikasampu sa may pinakamalaking budget sa 2027 ay ang Judiciary na P86.8-B.

Sa kabuuan ng 7.2-T proposed 2027 national budget, hinati-hati ito by sector:

  • Social services — 34.1% o P2.456-T
  • Economic Services — 25.5% o P1.833-T
  • General Public Services — 18.3% o P1.317-T
  • Debt Burden o debt service — 15.9% o P1.143-T
  • Defense — 6.3% o P452.4-B.

About The Author