dzme1530.ph

First phase ng LRT-1 Cavite Extension, malapit ng makumpleto

97% ng kumpleto ang LRT-1 Cavite Extension, ayon sa Light Rail Manila Corporation (LMRC).

Sinabi ng consortium na malapit nang makumpleto ang limang bagong train stations na kinabibilangan ng Redemptorist, Mia, Asia World, Ninoy Aquino, at Dr. Santos.

Isinasailalim na rin ng LMRC sa test runs ang mga tren upang matiyak ang compatibility at kahandaan ng mga ito sa operasyon.

Saklaw ng first phase ang Baclaran Station sa Pasay City hanggang sa Dr. Santos Station sa Parañaque City.

About The Author