dzme1530.ph

PRE-TRIAL ORDER SA IMPEACHMENT CASE LABAN KAY VP SARA DUTERTE, TARGET ILABAS NG KORTE SA JUNE 25

Loading

Target ng impeachment court na maglabas ng pre-trial order kaugnay sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte sa Huwebes, June 25.
 
Ipinagpapatuloy ngayong araw na ito ang pre-trial conference kung saan minamarkahan ang mga ebidensya at dokumento para sa dalawa pang articles of impeachment na may kaugnayan sa unexplained wealth at paggamit ng confidential fund.
 
Ayon kay impeachment Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr., ang bubuuin nilang pre-trial order ay isusumite sa presiding officer bago i-release sa magkabilang panig ng prosekusyon at depensa.
 
Inaasahan ding magkokomento ang dalawang panig sa pre-trial order bago naman magsimula ang trial proper sa July 6.
 
Laman ng pre-trial order ang stipulation of facts, mga listahan ng mga ebidensya at dokumento, at maging ang trial dates.
 
Inilarawan naman ni Bantug na productive ang unang araw ng kanilang pre-trial conference noong Huwebes.

About The Author