dzme1530.ph

ANAK NG VICE MAYOR NG MARIKINA, MAHAHARAP SA KASONG HOMICIDE MATAPOS PUMANAW ANG NABANGGA NITONG RIDER

Loading

Pumanaw na ang rider na si Alexander Cruz matapos maaksidente sa Marikina City.
 
Si Cruz ay nabanggaan ni David Alfred De Guzman, na anak ng vice mayor ng naturang lungsod.
 
Sa kuha ng CCTV sa Russet St. corner General Ordoñez Ave., makikitang nasa yellow box na ang rider pero dahil sa bilis ng kotseng minamaneho ni De Guzman ay natumbok niya ang motorsiklo at tumalsik ang rider sa lakas ng impact.
 
Isang linggong na-coma ang biktima bago binawian ng buhay sa ospital.
 
Gumawa naman ng Facebook account ang mga dating estudyante ng rider at pinangalanan itong “Justice for Sir Alex” upang ipanawagan ang patas na imbestigasyon at managot sa batas ang may kasalanan.
 
Samantala, plano ng pamilya Cruz na itaas sa homicide ang isasampang kaso laban kay De Guzman ngayong pumanaw na si Alex.

About The Author