dzme1530.ph

Filipino Boxer Eumir Marcial, hindi makapaglalaro sa SEA Games dahil sa injury

Hindi makapaglalaro si Olympic Bronze medalist Eumir Marcial sa nalalapit na Southeast Asian Games bunsod ng injury sa kamay.

Ginawa ng boksingero ang anunsyo sa Philippine Sportswriters Association Awards, kung saan tumanggap siya ng citation para sa pagakamit ng gintong medalya mula sa 2021 edition ng biennial meet.

Sinabi ni Marcial na tatlong buwan ang kailangan para maipahinga ang kanyang kamay, at hindi ito makakaabot sa 32nd  SEA games na gaganapin sa Mayo sa Cambodia.

Idinagdag ng Pinoy boxer na matagal na niyang iniinda ang injury kaya pina-opera niya ito pagkatapos ng kanyang laban sa Argentinian na si Ricardo Ruben Villalbe sa San Antonio, Texas, kung saan nanalo siya via technical Knockout.

About The Author