Ligtas na nakapag emergency landing ang Cebu Pacific Flight CEB588 pabalik sa Mactan-Cebu International Airport.
Ito’y matapos makaranas ng problema sa landing gear, pasadong ala-5: 30 kaninang umaga.
Sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines, walang napaulat na nasugatan o nasaktan sa mga pasahero maging sa crew members na lulan ng eroplano.
Ang nasabing eroplano ay patungo sana ng Maynila.