dzme1530.ph

EMMANUEL LEDESMA JR. ITINALAGA BILANG CEO AT ACTING PRESIDENT NG PHILHEALTH

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Emmanuel Ledesma Jr bilang Acting President at Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corporation.
Nanumpa sa pwesto si Ledesma kahapon araw ng huwebes sa harap ni Executive Secretary Lucas bersamin.
Si Ledesma ay miyembro ng PhilHealth Expert Panel at Board of Directors.
Dati siyang nagsilbing President at CEO ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation.
Mababatid na ang PhilHealth ay nadawit sa kaliwa’t kanang kontrobersiya kabilang ang sinasabing 15 bilyong piso na umanoy kinurakot ng sindikato sa ahensya sa pamamagitan ng Fraudulent Schemes.

About The Author