Ipinag-utos ni Transportation Secretary Vince Dizon na imbestigahan ang barko na nagbebenta ng tickets nang higit sa kapasidad nito.
Ayon kay Dizon, nahuli ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Batangas ang barko na patungong Romblon.
Aniya, nakakaawa ang mga strandred, dahil sa kagagawan ng shipping line na nagbenta ng mas maraming ticket kumpara sa pinapayagan lamang na bilang ng mga pasahero.
Idinagdag ng Kalihim na hindi pinayagan ng pcg na lumagpas sa kapasidad nito ang barko, kasabay ng pagbibigay diin na hindi maaaring ikompromiso ang kaligtasan ng mga biyahero.
Inihayag din ng DOTr na ipinag-utos ni Dizon ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga apektadong pasahero.