dzme1530.ph

DOH, nakapagtala ng 332 bagong kaso ng COVID-19

332 new COVID-19 infections ang naitala ng Department of Health, dahilan para lumobo na sa 4,068,425 ang nationwide caseload.

Ito ang ikatlong sunod na araw na mas mababa sa limang daan ang naitalang bagong kaso ng COVID-19.

Sa pinakahuling datos mula sa DOH, bumaba sa 11,856 ang Active cases kahapon, mula sa 12,267 noong lunes.

Ang National Capital Region pa rin ang may pinakamataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 2,092, sumunod ang CALABARZON, 1,035; Central Luzon, 516; Cagayan Valley, 318; at Western Visayas, 312.

Samantala, umakyat sa 3,991,071 ang Total recoveries makaraang 770 pang mga pasyente ang gumaling.

Labindalawa naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya pumalo na sa 65,498 ang Death toll.

About The Author