dzme1530.ph

DepEd, hinimok na bumuo ng national public school database para maging mabilis ang enrollment

Loading

Iminungkahi ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pagbuo ng National Public School Database upang higit pang mapadali ang enrollment process sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ito ay kasunod ng desisyon ng Department of Education (DepEd) na pahintulutan ang isang beses na lamang na pagsusumite ng birth certificate para sa buong K to 12 na edukasyon ng mga mag-aaral.

Sinabi ni Gatchalian na isa itong hakbang na magdudulot ng ginhawa para sa mga magulang at mag-aaral.

Ayon kay Gatchalian, ang pagkakaroon ng national database ay hindi lamang makababawas sa paulit-ulit na pagsumite ng mga dokumento, kundi makatutulong din sa pagsubaybay sa progreso ng mga mag-aaral at sa mas epektibong pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon.

About The Author