dzme1530.ph

BANAT NI VP SARA SA ADMINISTRASYON, SINOPLA NG PALASYO

Loading

Binuweltahan ng Malakanyang si Vice President Sara Duterte matapos punahin ang lumaking utang ng bansa.
 
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, normal ang pangungutang para makatulong sa pagtustos sa pangangailangan ng mamamayan.
 
Sinabi ni Castro na lumaki ang utang ng bansa, hindi lamang ngayong panahon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
 
Aniya, minana rin ng kasalukuyang administrasyon ang napakalaking utang na iniwan ng ama ng Bise Presidente na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Tinukoy ng Palace official na napabayaan ito dahil sa pang-aabuso sa Pharmally at sa mga ghost project noon ng Build, Build, Build.

About The Author