dzme1530.ph

DENR, tinawag na Department of Exploitation of Natural Resources ng isang mambabatas

Loading

Tinawag ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel ang DENR bilang Department of Exploitation of Natural Resources.

Kasunod ito ng utos ng DENR na lisanin ng Masungi Georeserve Foundation sa loob ng labing limang (15) araw at mga katuwang sa gawaing konserbasyon ang lugar.

Dismayado si Manuel dahil sa halip na protektahan ng DENR ang malasakit na ginagawa ng Masungi Georeserve sa lugar, nakipagsabwatan pa ito sa mga negosyante sa ngalan ng mining, quarrying at renewable energy projects.

Una nang sinabi ng DENR na hihintayin nito ang desisyon o rekomendasyon ng Kongreso na nagsagawa ng congressional investigation hinggil sa panganib na nakaamba sa Masungi Georeserve.

Wala pa mang rekomendasyon pinutol na ng DENR ang kasunduan nito sa Masungi Georeserve Foundation.

Ayon pa kay Manuel, kaaway ang turing ng DENR sa mga nagtatanggol sa kalikasan, habang todo suporta naman sa mga nagsusulputang resort sa loob ng protected area.

About The Author