dzme1530.ph

Degree for sale sa Cagayan, paiimbestigahan

Hihilingin sa Senado ni Sen. Risa Hontiveros na magsagawa sila ng sariling imbestigasyon sa sinasabing pagbabayad ng ilang dayuhang estudyante ng hanggang P2-M para makakuha ng degree o diploma.

Sinabi ni Hontiveros na maghahain siya ng resolusyon para magsagawa sila ng pagsisiyasat sa ibinulgar ni UP Professor Chester Cabalza na ilang mga Chinese students sa lalawigan Cagayan ang sangkot sa degree for sale.

Ayon kay Hontiveros, bukod sa paglabag sa proseso ng Immigration ay dapat na silipin ng Senado ang napaulat na presensya ng mga Chinese nationals sa paligid ng EDCA sites at kung may kinalaman ito sa napaulat na pagdami ng Chinese students.

Ang lalawigan ng Cagayan ay isa sa mga piniling EDCA sites kung saan napaulat din ang paglobo ng bilang ng mga Chinese students na nag-aaral doon.

Iginiit ng senador na isa itong national security concern na dapat agad na maimbestigahan.

Tanong pa ni Hontiveros kung ang paglaganap ng mga Chinese students sa Cagayan ay panibagong kabanata ng pastillas scam na kung saan ang visa upon arrival at iba pang proseso ng immigration ay naabuso dahil nakapasok sa bansa ang mga iligal na Chinese nationals na nagtatrabaho sa POGO.

About The Author