![]()
Sinuspinde ngayong araw ang pagpapatuloy ng DC Open final sa pagitan nina Filipina tennis ace Alex Eala at Jessica Pegula ng US.
Magpapatuloy ang match mamayang alas-dose ng hatinggabi (oras sa Pilipinas).
Nakuha ni Pegula ang unang set sa 6-4 habang lamang si Eala sa pangalawang set sa 2-1, bago itinigil ang laro dahil sa ulan na may kasamang pagkidlat.
Una nang na-delay ng tatlong oras ang pagsisimula ng final match dahil sa hindi magandang panahon.
Ilang beses ding hindi natuloy ang resumption time bago ito opisyal na sinuspinde ngayong araw.
