dzme1530.ph

DAVAO CITY AT OVP SYSTEM, PLAKADO SA PAGGAMIT NG CONFIDENTIAL FUND

Loading

“Plakado” ang Davao City system to OVP system sa paggasta ng confidential funds.
 
Iyan ang pinatunayan ni former OVP SDO Gina Acosta sa huling araw ng pagtestigo nito sa Impeachment Court.
 
Para kay Manila Cong. Joel Chua, lead prosecutor sa Article I o misuse of confidential funds, ang “institutional pattern” ay mahalagang puntos sa Day 17 ng trial.
 
Aniya, iisa ang nagbigay ng utos, iba-iba ang security officer na tumanggap o kumuha ng pera, at iisa ang sistema.
 
Para naman kay Atty. Benjamin Jay Tolosa Jr., House Prosecution legal spokesman, ang SOP sa paghawak, paggasta at prosesong ginagawa sa confidential funds ay hindi lamang ngayon ginawa kundi susog lamang sa practice sa Davao nung mayor pa ang Bise Presidente.
 
Una nang sinabi ni Atty. Virgil Ligutan na sa panahon ni VP Sara bilang mayor ng Davao City, may P460-M annual allocation ang lungsod para sa confidential funds mula 2019 hanggang 2022, at mula 2016 hanggang 2022 ay umabot sa kabuuang P2.6-B ang confidential funds niya bilang mayor.

About The Author