![]()
IBINASURA ng Sandiganbayan ang petisyon ni Uswag Ilonggo Partylist Rep. Jojo Ang na i-consolidate ang kanyang mga graft cases sa dalawang division ng anti-graft court.
Batay sa resolution ng Sandiganbayan 6th Division, ang consolidation ng mga kaso matapos itong mairaffle ay discretionary at hindi mandatory.
Si Ang ay nahaharap sa 14 graft cases bunsod ng proyekto ng Department of Works and Highways na ibinigay sa Allencon Development Corporation kung saan stockholder ang kongresista.
Sa resolution ng Sandiganbayan, ipinaliwanag na bagama’t similar in nature ang mga kaso, hindi naman maitatanggi na bawat kaso ay kaugnay sa proyektong nakahiwalay sa iba pang usapin.
Idinagdag pa ng Sandiganbayan na ang pagko-consolidate ng mga kaso ay magdudulot ng delay sa pagdinig dahil magkakahiwalay ang mga ebidensya para sa bawat kaso.
