dzme1530.ph

Dating VP Leni Robredo, tatakbong alkalde sa Naga City

Inanunsyo ni dating Vice President Leni Robredo na kakandidato siya bilang mayor ng Naga City, at maghahain siya ng kanyang certificate of candidacy (COC), bukas.

Sa official Facebook page ni Robredo, ipinakilala rin bilang kanyang running-mate si outgoing Camarines Sur Rep. Gabby Bordado.

Si Bordado ay nagsilbi rin bilang vice mayor sa termino ng mister ng dating VP, na si yumaong Interior Secretary Jesse Robredo, bilang Naga City Mayor.

Nakasaad sa Facebook post ni Robredo na ang line-up sa ilalim ng Robredo-Bordado ticket ay resulta ng malawak na konsultasyon ng dating bise presidente, na nag-imbita ng mga residente, organisasyon, sektor at mga aspirante.

Ayon kay Robredo, sinuri ang lahat ng aspiring candidates batay sa tatlong kategorya, una rito ang ethical standards, sumunod ang capacity and experience, at pang-huli ay governance.

Aabot sa 2,000 Nagueños ang lumahok sa nasabing proseso.

About The Author