Tila nagha-hallucinate na si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong sabihin na pakawala ng Malakanyang si dating Sen. Antonio Trillanes IV.
Ito ang bwelta ni Executive Sec. Lucas Bersamin, kaugnay ng alegasyon ni Duterte na sponsored ng Palasyo si Trillanes.
Bukod dito, ipinagtataka rin umano ni Duterte kung bakit siya pinupunterya ng Palasyo gayong hindi na niya inaatake si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..
Gayunman, sinabi ni Bersamin na mahirap nang pumatol sa mga ganitong patutsada.
Mababatid na ipinalutang ni Trillanes ang umano’y pagbuhos ng drug money sa bank accounts ni Duterte. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News