dzme1530.ph

Dating Pangulong Duterte, kabilang sa mga abogado ni Inday Sara sa Supreme Court petition para harangin ang impeachment laban sa Bise Presidente

Loading

Isa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa legal counsels na kumakatawan sa kanyang anak na si Vice President Sara Duterte, sa inihaing petisyon sa Supreme Court para harangin ang impeachment sa Pangalawang Pangulo.

Sa kopya ng petisyon, makakasama ng dating Pangulo ang biyenan ni VP Sara na si Atty. Lucas Carpio Jr. at mga abogado mula sa Fortun, Narvaza, at Salazar Law Firm sa pagharang ng impeachment.

Kahapon ay naghain ang Bise Presidente ng petition for certiorari and prohibition with urgent application for a temporary restraining order at writ of preliminary injunction.

Ang petisyon ni VP Sara ay hiwalay sa kaparehong petisyon na inihain din kahapon ng mga abogado mula sa Mindanao.

About The Author