dzme1530.ph

Dating Palawan Gov. Joel Reyes, sumuko sa NBI

Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) si dating Palawan Governor Joel Reyes na umano’y mastermind sa pagpaslang sa environmentalist na si Gerry Ortega sa Puerto Princesa noong January 2011.

Ayon sa mga Abogado ni Reyes, kamakailan lamang nang ilipat ng Supreme Court 2nd Division ang kaso ng dating Gobernador sa Quezon City Regional Trial Court Branch 76.

Si Reyes ay kasalukuyang naka-confine sa isang ospital sa Quezon City bunsod ng kanyang medical condition.

Noong Martes ay sumailalim ang dating Palawan Governor sa booking procedures sa NBI, at ngayon ay nasa ilalim ng kustodiya ng ahensya habang naghihintay ng kautusan ng Korte.

July 2023 nang ipag-utos ng Korte Suprema sa Puerto Princesa RTC na muling arestuhin si Reyes.  —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author