dzme1530.ph

Data breach sa GSIS, ini-imbestigahan na

Kinumpirma at iniimbestigahan na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang insidente ng Cybersecurity breach sa kanilang systems.

Sa statement, sinabi ng GSIS na pasado ala-5:00, kahapon, nang makatanggap sila ng notice mula sa kanilang security partner, na napasok ng isang local threat actor ang administrator account ng isa sa kanilang computers.

Ayon sa state-owned pension fund, ang data breach ay ibinahagi sa Facebook page ng local threat actor.

Inihayag ng GSIS na naka-offline na ang apektadong computer at iniimbestigahan nang mabuti ang insidente upang i-assess ang lawak ng cybersecurity breach.

Idinagdag ng pension fund na bina-validate na nila ang claims ng intruder, upang matiyak ang full compliance sa requirements ng Data Privacy Act. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author