dzme1530.ph

Dalawang dayuhang POGO worker arestado sa drug buy bust ops sa Pasay

Arestado ang dalawang dayuhan sa ikinasang drug buy bust operation ng mga tauhan ng Southern Police District sa isang parking lot ng Shore 3 Tower 3 Barangay 76, MOA Complex Pasay City.

Kinilala ang mga naarestong suspect na sina Sing Tien Roong, 40 years old, isang Malaysian National POGO worker na kasama sa High Value Individual at Chen Zhiwen, 37 yrs old, Chinese National POGO worker at tulak din ng iligal na droga na nakatira sa Shore 1 Building C Barangay 76, Pasay City.

Sa initial report ng SPD, ikinasa ang operasyon pasado alas 4:00 kaninang madaling araw na nagresulta sa pagkakaresto sa mga dayuhan, kung saan nasamsam mula dito ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na aabot sa ₱680,000.00.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Pasay City Police Station ang mga suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author