Pinaboran nina Sen. Sherwin Gatchalian at Sen. Imee Marcos ang desisyon ni Senate President Francis Escudero na iatras ang nakatakda dapat na pagbabasa ng articles of impeachment mula sa June 2 patungong June 11.
Sinabi ni Gatchalian na ito ay upang bigyang-daan ang pag-aapruba ng mga mahahalagang panukala na pinag-usapan sa LEDAC meeting kahapon.
Ipinaliwanag ng senador na kasama siya sa LEDAC meeting kahapon at napagkasunduan na bibigyang prayoridad ang approval ng 12 priority measures.
Ilan sa mga panukala ay nangangailangan sumalang sa bicam conference meeting, consultative meetings at mga pagdinig upang maisapinal.
Dahid dito, pabor si Gatchalian na ilaan ang dalawang susunod na linggo ng sesyon upang tapusin ang mga panukala at iba pang legislative priorities bago magconvene ang impeachment court.
Sa panig ni Sen Imee, iginiit na dapat lamang unahin ang pagtalakay sa mga panukala na makatutulong sa mamamayan sa halip na pag-aksayahan ng oras ang impeachment na pamumulitika lamang.