![]()
Naispatan si Dimples Romana at kanyang mister na pasakay ng eroplano patungong ibang bansa, sa gitna ng usap-usapan na ikakasal ang kanyang malapit na kaibigan na si Bea Alonzo sa kasintahang negosyante na si Vincent Co sa Spain.
Sa Instagram Stories, ibinahagi ni Dimples ang kanyang litrato, kasama ang mister na si Boyet Ahmee, na nasa first-class flight patungong abroad.
Hindi naman binanggit ng aktres kung saang bansa ang tungo nilang mag-asawa.
Noong Abril ay nakipag-bonding sina Bea at Vincent kina Dimples, Boyet, at isa pang close friend na si Bea Saw, sa isang intimate Holy Week get-together.
Una nang kumalat ang tsismis na nanganganib na hindi matuloy ang kasal ng magkasintahan dahil sa ilang detalye ng kanilang prenuptial contract, partikular sa partido ng lalaki.
