![]()
Titiyakin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bibigyan ng proteksyon si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, alinsunod sa batas.
Kasunod ito ng kumpirmasyon ng International Criminal Court (ICC) na naglabas ito ng arrest warrant laban sa senador.
Ginawa ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro ang pagtiyak, sa press briefing matapos ang major developments sa Senado kahapon.
Sinabi ni Castro na maski mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) ay humihingi ng proteksyon, kaya maging ang akusado na gaya ni dela Rosa ay bibigyan din ng proteksyon na naaayon sa batas.
Inihayag ng senador na gagamitin niya at ng kanyang legal team ang lahat ng paraan upang hindi siya maaresto sa kasong isinampa laban sa kanya sa ICC kaugnay ng mga pagpaslang sa panahon ng war on drugs ng Duterte administration.
