dzme1530.ph

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw

Umarangkada na ngayong araw ang ipinatupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Alas 12:01 ng madaling araw kanina, unang ipinatupad ng Caltex ang price adjustment kung saan ang gasolina ay magkakaroon ng dagdag na piso kada litro habang mababawasan ang diesel ng P0.10 at kerosene ng P0.60.

Ganitong galaw din ang ipatutupad ng Flying V, Petron at Sea Oil na ipinatupad alas-6 kaninang umaga.

Samantala, epektibo lang sa gasolina at diesel ang ginawang adjustment ng PTT Philippines, Phoenix Unioil, Jetti Petroleum  at Petrogas.

Habang alas-4:01 pa ng hapon ipatutupad ng kumpaniyang Cleanfuel ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.

About The Author