dzme1530.ph

P77-M halaga ng smuggled na sibuyas, nasabat ng BOC

Aabot sa P77-M na halaga ng mga puslit na sibuyas ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP).

Ito’y matapos hilingin ng Customs intelligence and Investigation Service Field office na pisikal na masuri ang 18 container na idineklarang naglalaman ng pizza dough at fishball.

Sa isinagawang inspeksiyon ng BOC-MICP nakumpirma na ang mga kargamento ay naglalaman ng misdeclared na pula at dilaw na sibuyas.

Ayon kay District Collector Arnoldo Famor, agad ding nagpalabas ng Warrants of Seizure and Detention (WSD) laban sa lahat ng shipment habang inirekomenda rin ang paghahain ng kaukulang kaso.

About The Author