dzme1530.ph

Daan-daang pamilya, inilikas na sa Valenzuela makaraang mailagay sa critical level ang Tullahan river

Mahigit 230 pamilya na ang inilikas sa lungsod ng Valenzuela makaraang umabot na critical level ang lagay sa Tullahan river.

Sa huling update ng Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office, kabuuang 236 na pamilya o katumbas ng 940 na indibidwal na mananatili ngayon sa 15 evacuation centers sa ibat ibang panig ng lungsod.

Nagpapatuloy din ang rescue operations sa iba pang apektado ng matinding pag-ulan.

Samantala, dito sa bahagi ng Caloocan, hindi na madaanan bunsod ng mataas na baha ang Tamban St. sa Barangay 18, ang Caloocan Sports Complex road, Pamasawata boundary, Diamante st sa Barangay 170, Llano Road, Zabarte Road, Phase 6, Barangay 178, Abraham Bridge sa Barangay 172, 2nd to 4th Avenue, Zapote Road, Rainbow Village sa Barangay 173, Matarik Bridge, Barugo at Sabalo St. sa Barangay 8.

About The Author