dzme1530.ph

Daan-daang Muslim sa Quiapo, Maynila, sinalubong ang Ramadan sa pamamagitan ng taimtim na panalangin

Loading

Daan-daang Muslim sa Maynila ang sinalubong ang pagsisimula ng Ramadan sa pamamagitan ng panalangin at debosyon sa Golden Mosque sa Quiapo.

Ang Ramadan na nagsimula kahapon ng madaling araw ay ginugunita tuwing ika-9 na buwan ng Islamic calendar, at panahon para sa mga Muslim na disiplinahin ang kanilang sarili at magnilay-nilay habang nag-aayuno.

Ayon kay Mohammed Edzar “Bebot” Malli, administrator ng Manila Golden Mosque Cultural Center, ito ang pinaniniwalaang panahon nang ipakita ni Allah ang Quran sa propetang si Mohammad.

Sa itinuturing nilang banal na buwan, ipinagbabawal sa mga Muslim ang pagkain, pag-inom, paninigarilyo, at pisikal na relasyon ng mag-asawa, simula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw.

Nagtatapos naman ang Ramadan sa pamamagitan ng pagdiriwang ng Eid al-Fitr.

About The Author