dzme1530.ph

Courtesy resignation ni PTV GM Toby Nebrida, tinanggap na ng PCO secretary

Loading

Kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) ad interim Secretary Jay Ruiz na natanggap na niya ang courtesy resignation ni Toby Nebrida bilang General Manager ng People’s Television Network (PTV).

Ginawa ni Ruiz ang kumpirmasyon, isang araw matapos niyang isiwalat na pamumunuan ni Oscar Orbos bilang officer-in-charge ang state-run television network.

Una nang inihayag ng bagong PCO Secretary na papalitan ni Orbos si Nebrida bunsod ng umano’y mga reklamo mula sa mga empleyado ng PTV, subalit hindi na ito nagbigay ng iba pang mga detalye.

Ipinaliwanag na rin ni Ruiz na walang personalan sa paghingi ng courtesy resignation sa mga appointee, upang mabigyan ng kalayaan ang bagong liderato na makapili ng kanilang mga makakasama sa trabaho.

About The Author