dzme1530.ph

COMELEC, pinagpapaliwanag kung bakit ayaw gamitin ang vote counting machines ng Smartmatic

Nais ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na pagpaliwanagin ang COMELEC kung bakit magbabayad ito ng bilyun-bilyong piso na renta para sa mga automated counting machines na gagamirin sa 2025 midterm elections.

Ito ay sa kabila ng availability pa ng mga counting machines ng Smartmatic.

Kasunod ito ng pahayag ng Smartmatic na mayroon pa silang warranty sa Vote Counting Machines (VCMs) na binili ng COMELEC.

Sa pahayag ng Smartmatic, hanggang sa susunod na taon ang kanilang warranty sa mahigit 93,000 na VCMs na binili sa kanila ng COMELEC.

Iginiit ni Pimentel na kung hindi gagamitin ang mga VCM ng Smartmatic, sasayangin lang ng poll body ang warranty samantalang gagastos ito ng P18 billion sa one-time na pagrenta ng mga makina ng kumpanyang Miru Systems.

Ipinaliwanag ni Pimentel na pareho namang may isyu ng dayaan sa mga VCM ng Smartmatic at maging ang Miru Systems.

Matatandaang dinisqualify ng COMELEC ang Smartmatic para sa bidding sa halalan sa 2025 dahil sa iba’t ibang kontrobersiya.

Subalit kinuwestyon ng Supreme Court ang desisyon ng COMELEC na pinanindigan naman ng poll body dahil may kontrata nang nilagdaan sa Miru Systems.

About The Author