dzme1530.ph

Comelec law department Dir. Norina Casingal, hinirang bilang bagong Commissioner

Loading

May bagong Commissioner ang Comelec sa katauhan ng kanilang law department director na si Maria Norina Tangaro-Casingal.

Sa press conference, inanunsyo ni Comelec Chairman George Garcia ang pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Casingal bilang Poll commissioner na ang termino ay magtatapos sa Feb. 2, 2032.

Inihayag naman ni Casingal na 27-taon na sa Comelec, na nasorpresa siya nang piliin siya ni Pangulong Marcos, kapalit ni Ret. Commissioner Socorro Inting.

About The Author