dzme1530.ph

COMELEC, handa sa posibleng pagsabay ng con-con at BSKE

Handa ang Commission on Elections (COMELEC) na isabay ang constitutional convention (con-con) sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30, kung sakaling aprubahan ito ng mga mambabatas. 

Ngunit ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, mangangailangan ng dagdag pondo ang komisyon na aabot sa P3.8-M. 

Aniya, gagamitin ang pondo sa pag imprenta ng karagdagang balota at dagdag honoraria sa mga electoral board members. 

Gayunman ani Garcia hindi maisasama ang eleksyon para sa con-con nominees at kailangang ihiwalay ang balota na gagamitin dahil tapos nang imprentahan ang 91-M balota para sa BSKE.

About The Author