dzme1530.ph

COC filing para sa Halalan 2025, relatively peaceful, ayon sa PNP

Relatively peaceful ang filing ng Certificates of Candidacy (COC) para sa 2025 national and local elections, ayon sa Philippine National Police.

Gayunman, sinabi ni PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean Fajardo na kukumpirmahin pa niya ang napaulat na shooting incident sa bayan ng Shariff Aguak, sa Maguindanao del Sur.

Aniya, sa awa ng Diyos ay wala namang naitalang anumang related incident na maaaring maka-impluwensya sa paghahain ng kandidatura.

Batay sa serye ng Facebook livestreams mula sa Shariff Aguak Municipal Police at iba pang sources, makikita ang mga Pulis na nakakalat sa mga lansangan sa gitna ng umano’y nangyaring pamamaril.

Inihayag naman ni Comelec Chairman George Garcia na walang kanselasyon sa filing ng COC dahil agad namang nakapag-establish ng satellite venue. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author