dzme1530.ph

Cease and desist order sa Captain’s Peak Resort, ipinag-utos ng NWRB

Naghain na rin ng cease and desist order ang National Water Resources Board sa pamunuan ng kontrobersiyal na Captain’s Peak Resort na nasa protected area ng Chocolate Hills.

Ipinag-utos ng NWRB sa naturang resort na ipatigil ang ginagawang deep well water extraction activities dahil sa kakulangan sa mga importanteng permit.

Ayon kay NWRB Executive Director Ricky Azardon, dahil walang permit ang pagkuha nila ng tubig mula sa mga balon, maituturing itong krimen.

Matatandaang, noong nakaraang linggo ay nakapag-isyu na rin ang Department of Environment and Natural Resources ng cease and desist order laban sa resort dahil sa pag-ooperate ng walang Environmental Clearance Certificate.

About The Author