![]()
Patuloy na magdadala ng mga pag-ulan ang habagat sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas ngayong Huwebes.
Ayon sa PAGASA, makararanas ang Zambales ng monsoon rains habang Metro Manila, natitirang bahagi ng Central Luzon, Pangasinan, La Union, Benguet, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Rizal, Cavite, Batangas, Oriental Mindoro, at Occidental Mindoro ay magkakaroon ng paminsan-minsang pag-ulan.
Magdudulot din ang habagat ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan sa Visayas, nalalabing bahagi ng Luzon, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao.
Iiral naman sa natitirang bahagi ng Mindanao ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan o pagkulog at pagkidlat bunsod ng localized thunderstorms.
Sinabi ng PAGASA na as of 2 a.m., walang mino-monitor na low pressure area para sa tropical cyclone formation.
Sumikat ang araw kaninang 5:45 ng umaga at lulubog ito mamayang 6:02 ng gabi.