dzme1530.ph

Carlos Yulo, nakasungkit muli ng gintong medalya

Wagi ng isa pang gintong medalya ang Filipino Olympian na si Carlos Yulo sa Azerbaijan leg ng FIG World Cup Series makaraang manguna sa vault finals kahapon sa Baku.

Namayagpag si Yulo sa kanyang pet event sa score na 14.993 habang si Harry Hepworth ng Great Britain ay mayroong 14.816 at si Shek Wai Hung ng Hong Kong ay pumangatlo sa kanyang 14.716 points.

Noong Sabado ay nanalo rin ang Filipino gymnast ng gold medal sa parallel bar event.

pagkatapos ng baku leg ay magtutungo naman ang world cup series sa Cairo, Egypt para sa events na naka-schedule sa April 27 hanggang 30.

About The Author