dzme1530.ph

Manganese at mga pagkaing mayaman dito, alamin

Ang Manganese, bagaman kakaunti lamang ang pangangailangan dito ay isa rin sa mahahalagang mineral na kailangan ng katawan para mabuhay.

May ilang mahahalagang papel itong ginagampanan sa kemikal na proseso ng enzymes, paggaling ng mga sugat, pag-absorb ng katawan sa iba pang sustansya, at sa pagbuo ng mga buto sa katawan.

Mahalaga rin ito sa pagkakaroon ng malusog na balat, gayundin sa pagkontrol ng lebel ng asukal sa dugo.

Ayon naman sa ilang mga pag-aaral, ang mineral na Manganese ay tumutulong din sa pagpapalakas ng mahinang buto, pagbibigay ng proteksyon laban sa mga free radicals, pag-iwas sa sakit na anemia, rayuma, panginginig ng laman dahil sa epilepsy, at pagkapanot ng buhok.

Kabilang sa mga pagkaing mayaman sa Manganese ay tahong, sesame seeds, kasoy, tinapay, tokwa, bawang, tanglad, okra, kanin, at tsokolate.

About The Author