dzme1530.ph

Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, hinirang ni Pope Francis bilang kardinal

Hinirang ni Pope Francis si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang cardinal ng Simbahang Katolika.

Ayon sa Vatican, si David na siya ring Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay kabilang sa 21 mga kardinal na iluloklok sa Dec. 8, 2024.

Ang mga kardinal na ikalawa lamang sa Santo Papa sa hierarchy, ay ang nagsisilbing pinakamalalapit na tagapayo ng pinakamataas na lider ng Simbahang Katolika.

Si David na binotong CBCP president noong 2021 at na-reelect noong 2023, ay kilalang kritiko ng madugong Anti-drugs campaign at Red-tagging ng nakalipas na Duterte Administration.

Na-ordinahan si David bilang pari sa Archdiocese of San Fernando noong 1983, at itinalaga bilang Auxiliary Archbishop sa kaparehong Archdiocese  noong 2006, at inilipat sa Caloocan Diocese noong January 2016. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author