Nakikipag-ugnayan na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), sa mga otoridad sa Maguindanao del Sur, upang imbestigahan ang pagbagsak ng isang eroplano sa barangay Malatimon, Ampatuan.
Ito’y matapos makumpirma ng CAAP na isa ngang US Military contracted aircraft, ang bumagsak sa Maguindanao del Sur.
Napagalamang isang beech-craft king air 300 na may registration number na N-349-CA, ang eroplano.
Nanggaling ito sa Cebu at papunta sana sa Cotabato City para sa isang aerial survey.
Sa ngayon, patuloy pa rin inaalam ng CAAP ang pagkakakilanlan ng apat na pasaherong nasawi dahil sa aksidente. —sa panulat ni Judea Bernardo