dzme1530.ph

BRP Cabra, itinaboy ang China Coast Guard vessel palayo ng Zambales

Loading

Itinaboy ng BRP Cabra ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barko ng China Coast Guard (CCG), palayo mula sa baybayin ng Zambales.

Sa statement, sinabi ni Commodore Jay Tarriela, PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, na matagumpay na naitula pabalik ng BRP Cabra ang CCG-5303, 95 nautical miles mula sa lalawigan.

Ang tinukoy na barko ni Tarriela ay ang 134-meter CCG vessel, na ayon sa PCG, ay ipinalit sa 3103 noong Sabado ng madaling araw, upang ipagpatuloy ang iligal na pag-pa-patrolya sa Zambales.

Idinagdag ng PCG na sinundan ng BRP Cabra ang CCG-5303 sa kabila ng malalaking alon na umaabot ang taas sa lima hanggang walong talampakan.

About The Author