dzme1530.ph

BOC at BIR, pinakikilos ni PBBM laban sa smuggling ng tobacco at vape

Pinakikilos ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa smuggling ng tobacco at vape products.

Sa 6th Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group Meeting sa Malacañang, inatasan ng pangulo ang dalawang ahensya na paigtingin pa ang mga hakbang laban sa smuggling.

Nanawagan din ang PSAC sa Dep’t of Trade and Industry (DTI) na magpataw ng deadline sa registration ng importers at manufacturers ng vapor products, habang hinimok ang BIR na magtakda ng tax requirements sa tobacco at vape.

Kaugnay dito, sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na magpapatupad sila ng tax stamp system upang matukoy ang mga iligal na vape products.

Tiniyak din ng DTI consumer protection group na magtatalaga sila ng sapat na tauhan para i-monitor ang vape industry.

About The Author