dzme1530.ph

Bilang ng mga nasawi sa lindol sa Myanmar, sumampa na sa mahigit 2K

Loading

Nagdeklara ang Myanmar ng isang linggong national mourning kasunod ng malakas na lindol na tumama noong Biyernes.

Ayon sa Junta, naka-half-mast ang national flags ng bansa hanggang sa April 6, bilang pagluluksa para sa mga nawalang buhay at mga nawasak na ari-arian mula sa magnitude 7.7 na lindol.

Batay sa pinakahuling tala ng Junta, kahapon, umakyat na sa 2,056 ang death toll habang mahigit 3,900 ang nasugatan at 270 pa ang nawawala.

Tatlong Chinese nationals ang kabilang sa mga nasawi, ayon sa State media ng China, kasama ang dalawa pang Pranses, batay naman sa pahayag ng Foreign Ministry sa Paris.

About The Author