dzme1530.ph

Bilang ng mga nasawi sa lindol sa Mindanao, umakyat na sa 8

Umakyat na sa walo ang napaulat na nasawi sa magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Davao Occidental noong Biyernes, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Sinabi ni NDRRMC Deputy Spokesman Mark Timbal na apat mula sa mga nasawi ay mula sa Sarangani, tatlo mula sa General Santos City, at isa mula sa Davao Occidental.

13 indibidwal naman ang napaulat na nasugatan dahil sa malakas na lindol.

Nilinaw naman ng NDRRMC na bina-validate pa ang bilang ng casualties habang nagpapatuloy sa kanilang assessment ang local government units. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author